Friday, May 16, 2014

Salitang Lucbanin: Marikit

*Imahe ng awtor via cooltext.com

Kapag sinabihan ka ng 'marikit'. Sorry, hindi ka maganda. Sa mga Lucbanin, ang marikit ay 'kakaiba' o  'hindi maunawaan' . Kapag tinukoy kang 'marikit' ang ibig sabihin 'WEIRD' ka.

Blag ni Mang Isidro 05 16 14


Saturday, May 3, 2014

Si Santa Elena 2014

Imahe ng awtor

Taon-taon tuwing ika-3 ng Mayo ay nagaganap ang pag-akyat ni Santa Elena kasama ang krus nito sa kalbaryo. Ang tinatawag na kalbaryo ay ang burol sa Lucban Quezon na matatagpuan sa labas ng bayan, sa kalye na patungong Lucena city. Malapit ito sa RPN o Raffy Nantes Basketball Court.

Sa tuktok ng burol, ay isang misa ang gaganapin at pagkuwa'y isang meryenda ang inihahain ng may kabig sa poon.

Sa pagbaba ni Santa Elena mura sa kalbaryo, pabalik sa simbahang Katoliko (St Louis Parish Church), ay may mga nakahandang mga pabitin sa daraanan. Ito ay mga biskwit na kalimitang kinukuha ng mga sumasama sa prusisyon ni Santa Elena.

 
Mga biskwit na nakabitin sa mga Bamboo tree.















Image ng awtor

Blag ni Mang Isidro  05 03 14

Sunday, April 20, 2014

Buhusan .... este Basaan 2014




Correction.... Konti na lang po pala ang tubig sa Lucban, Quezon. Sa halip na 'buhusan' ay BASAAN na po pala ang terminology natin.

Blag ni Mang Isidro 04 20 14

Basahin ang kaugnay na post:


Saturday, March 15, 2014

Medical Mission para sa mga Myembro ng San Luis Cooperative

Ito ay ginanap sa bago nilang building sa may palengke sa pakikipag-ugnayan sa Generika Drugstore. Tampok sa medical mission ang walong laboratory test sa pakikipagtulungan ng Statcare Diagnostics at ang libreng konsulta sa doktor - kay Dr. Jose Jaycee Tabernilla ng City Health Lucena.




*Mga larawan ng awtor

Blag ni Mang Isidro 03 15 14

Basahin ang kaugnay na post:

*Murang Laboratory sa Generika Drugstore