Sunday, January 20, 2013

Murang Laboratory sa Generika Drugstore


Bagamat malamig ang panahon at umuulan-ulan pa ay marami ring tao ang dumagsa sa Generika drugstore. Ang Generika drugstore ay matatagpuan sa Quezon Avenue daang Tayabas, katabi ng Abcede’s Resto. Ikaapat ng umaga ng Enero 19, 2013 ay bukas na ang botika para maglingkod sa mga Lucbanin. Nagsagawa ng murang laboratoryo ang Generika drugstore. Bilang bahagi ng misyon, ginagawa ito ng botika buwan-buwan.

I
 Photo credit ng awtor

Kabilang sa murang eksamin ay ang urinalysis, CBC, ECG, Uric acid, FBS, BUN, Cholesterol at SGPT – walong eksamin na nagkakahalaga ng dalawang daan at limampung piso (Php 250 pesos).

Akalain mo? Ang ECG na isang eksamin sa puso ay katumbas lamang ng halaga ng walong eksaminasyon. Saan ka pa?

Marahil ang pinakang disadvantege ng offer na ito ay kailangan mong pumila, na madalas ay napakahaba. Medyo hindi rin kaayaaya  ang lokasyon. Hindi pwedeng lagyan ng tent ang harapan ng botika dahil nasa kalye mayor ito. Kaya naman laging ipinag-aalala ng mga participants ang pag-ulan. Sa loob ng mobile isinasagawa ang ECG na kumpara sa totoong ospital ay medyo hindi komportable.

Subali’t hindi nga ba kahit sa laboratoryo ng ospital ay pumipila rin tayo? Hindi nga ba’t madalas ay hindi naman talaga komportable ang mga venue ng medical mission? At  Hindi nga ba’t  ang mas mahalaga ay makuha natin ng tama at precise ang resulta ng mga ipinagawa nating eksamin? Ang Generika drugstore ay nagtitiwala lamang sa mga eksperto at Statcare service ang isa sa mga ito.

Ang remedyo para sa mahabang pila ay umagap.

Ang libreng konsulta at murang laboratoryo ng Generika drugtore ay tuluy-tuloy bilang bahagi  ng maraming  serbisyo publiko ng botika. Mangyaring bumisita lamang sa Generika drugstore para sa mga serbisyong ito.

Bilang pangwakas, mura at dekalidad din ang mga produkto ng Generika. Kaya’t tara na sa Generika drugstore.

(c) Blag ni Mang Isidro @ January 20, 2013

No comments:

Post a Comment