Kung noon po ay balde-baldeng tubig ang naiilabas natin sa ating mga bahay o di kaya ay isang swimming pool and napupuno natin, ngayon po ay mayroon nang pagbabago.
Wala na bang tubig sa Lucban?
Meron pa naman po. Subali’t king papansinin po natin, hindi na po tayo kasing sawa sa tubig kumpara noon. Kung noon po ay puno pa ng tubig ang ating mga bambang, ngayon po ay natutuyo na ang marami sa mga ito. Hindi nga ba’t gumagamit na rin po ang marami sa atin ng water pump? At hindi nga ba’t napakakonti na ng tubig na pumapatak sa ating gripo lalo na kung araw ng Sabado?
Tunay nga pong lumaki na ang populasyon sa Lucban.
Subali’t dahil po ang mga Lucbanin ay mga masayahing tao hindi po natin maiaalis ang nakagisnang tradisyon tuwing Pasko ng Pagkabuhay – ang buhusan.
Photo credit ni Armie
Mayroon pa rin pong buhusan pero hindi na po katulad nang dati.
Sabihin nating ang salitang buhusan ay mawawala na sa bukabularyo ng mga Lucbanin sapagkat sa panahon ng pagtitipid ng tubig, ang pagpapapusit gamit ang mga water gun ay isang magandang opsyon.
Hindi maraming tubig ang masasayang at sa kabilang banda ay maligaya pa rin ang pagdiriwang.
So, hindi na po buhusan, papusitan na lang po. Siguro po’y nag enjoy naman tayong lahat. Hanggang sa susunod na taon na lang po.
Magpapusitan po uli tayo.
(c) Blag ni Mang Isidro @ Abril 9, 2012
Related article: