Bagamat malamig ang panahon at umuulan-ulan pa ay marami
ring tao ang dumagsa sa Generika drugstore. Ang Generika drugstore ay
matatagpuan sa Quezon Avenue daang Tayabas, katabi ng Abcede’s Resto. Ikaapat ng
umaga ng Enero 19, 2013 ay bukas na ang botika para maglingkod sa mga Lucbanin. Nagsagawa
ng murang laboratoryo ang Generika drugstore. Bilang bahagi ng misyon, ginagawa
ito ng botika buwan-buwan.
Photo credit ng awtor
Kabilang sa murang eksamin ay ang urinalysis, CBC, ECG, Uric
acid, FBS, BUN, Cholesterol at SGPT – walong eksamin na nagkakahalaga ng
dalawang daan at limampung piso (Php 250 pesos).
Akalain mo? Ang ECG na
isang eksamin sa puso ay katumbas lamang ng halaga ng walong eksaminasyon. Saan
ka pa?
Marahil ang pinakang disadvantege ng offer na ito ay
kailangan mong pumila, na madalas ay napakahaba. Medyo hindi rin kaayaaya ang lokasyon. Hindi pwedeng lagyan ng tent ang
harapan ng botika dahil nasa kalye mayor ito. Kaya naman laging ipinag-aalala
ng mga participants ang pag-ulan. Sa loob ng mobile isinasagawa ang ECG na
kumpara sa totoong ospital ay medyo hindi komportable.
Subali’t hindi nga ba kahit sa laboratoryo ng ospital ay
pumipila rin tayo? Hindi nga ba’t madalas ay hindi naman talaga komportable ang
mga venue ng medical mission? At Hindi
nga ba’t ang mas mahalaga ay makuha
natin ng tama at precise ang resulta ng mga ipinagawa nating eksamin? Ang
Generika drugstore ay nagtitiwala lamang sa mga eksperto at Statcare service
ang isa sa mga ito.
Ang remedyo para sa mahabang pila ay umagap.
Ang libreng konsulta at murang laboratoryo ng Generika
drugtore ay tuluy-tuloy bilang bahagi ng
maraming serbisyo publiko ng botika.
Mangyaring bumisita lamang sa Generika drugstore para sa mga serbisyong ito.
Bilang pangwakas, mura at dekalidad din ang mga produkto ng Generika. Kaya’t tara na sa Generika drugstore.
(c) Blag ni Mang Isidro @ January 20, 2013